^

Bansa

Morato, hindi nagpasok ng plea sa kasong plunder

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumangging magpasok ng plea si dating PCSO director Manoling Morato nang basahan ng sakdal sa Sandiganbayan kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder hinggil sa umano’y maling paggamit ng pondo ng PCSO.

Sinubukan pa ng depensa sa pamamagitan ni Atty. Dante Diaz na harangin muli ang arraignment sa First Division ng Sandiganbayan dahil sa mayrooon pa daw silang nakahaing petition for certiorari na humihingi ng Temporary Restraining Order (TRO) sa Korte Suprema pero hindi na ito pinagbigyan ng Sandiganbayan.

Dahil hindi nagpasok ng plea si Morato sa ginanap na arraignment kaya abogado na lamang ang nagpasok ng not guilty plea.

Kaugnay nito, pinayagan naman  ng Sandiganbayan si Morato na makadalaw sa loob ng 3 oras  kasama ang NBI agents  sa burol ng kanyang brother-in-law na si Dr. Antonio Lazatin na namatay noong Sabado na ngayon ay nakalagak sa  private chapel sa Tomas Morato sa Quezon City.

Muling iginiit ng kampo ni Morato ang isang  manifestation sa pamamagitan ni  Atty. Diaz na maisailalim siya sa house arrest mula sa pagkaka hospital arrest sa St. Lukes Medical Center dahil  masyado na daw malaki ang  hospital bill nito  na umabot na sa P3 milyon.

 

DANTE DIAZ

DR. ANTONIO LAZATIN

FIRST DIVISION

KORTE SUPREMA

MANOLING MORATO

MORATO

QUEZON CITY

SANDIGANBAYAN

ST. LUKES MEDICAL CENTER

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with