^

Bansa

Graft vs Munti mayor sumalang sa Ombudsman

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Office of the Ombudsman ang Preliminary Investigation (PI) sa limang kaso ng graft and corruption na kinakaharap ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro.

Nabatid na noong Peb­rero 20, 2012 isinampa ang kaso na may kinalaman sa umano’y kuwestiyunableng proyekto ng pamahalaang lungsod na bilyon piso umano ang halaga.

Sa 90-pahinang complaint affidavit ni Abel Samabat, dating chairman ng bids and awards committee ng lungsod, nakasaad ang umano’y overpricing, hindi raw dumaan sa bidding, ilang “ghost project” at ilang malapit na kaanak at kaibigan ang nakapasok at huma­wak umano sa mga kontrata ng ilang proyekto ng city hall, na isa umanong paglabag sa batas.

Sabi pa ni Samabat, sa kabila na hindi rin umano ito inaprubahan ng Commission on Audit (COA) ay naipatupad umano ang proyekto.

Pinasasagot na ng Om­budsman ang kampo ni San Pedro sa reklamo la­ban sa kanya.

 

ABEL SAMABAT

MUNTINLUPA CITY MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

NABATID

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PEB

PINASASAGOT

PRELIMINARY INVESTIGATION

SABI

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with