^

Bansa

Lamig sa Baguio, tumindi pa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalu pang tumindi ang lamig ng panahon sa Baguio City at lalawigan ng Benguet makaraang bumaba ang antas ng temperatura kahapon.

Ito ay batay sa pinakahuling tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) dahil umabot na sa  13.5 degrees Celcius ang pinakamalamig na temperatura na nararamdaman, mas mababa kumpara noong isang araw na aabot sa 14.0 degrees Celcius dulot ng  umiiral na cold front sa buong Luzon.

Hindi naman ito magdudulot ng mga pag-ambon at pag-ulan ngunit magiging maulap ang papawirin.

Bunsod nito, tiniyak ng PAGASA na bababa pa ang temperatura sa City of Pines sa  pagpasok ng Pasko hanggang sa buwan ng Pebrero ng susunod na taon.

 

BAGUIO CITY

BENGUET

BUNSOD

CELCIUS

CITY OF PINES

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

LALU

LUZON

PASKO

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with