2013 budget binira ni Sen. Miriam
MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon si Senator Miriam Defensor-Santiago na magiging rubber stamp ng Malacañang ang Kongreso kung papayag ang mga mambabatas na hindi busisiing mabuti ang 2013 national budget na inaasahang papasa bago matapos ang taon.
Napuna ni Santiago na ang national budget na isinusulong ng Palasyo, Senado at Kamara ay eksaktong magkakatulad.
Sinabi ni Santiago na ang tinatawag na “power of the purse” ay hawak ng Kongreso at hindi dapat isurender sa Malacañang.
Binanatan din ni Santiago ang pagdadagdag ng budget sa ibang ahensiya ng gobyerno sa pamamagitan ng “special provisions”.
Inihalimbawa nito ang paggamit ng special provision sa pagdadagdag ng budget para sa Securities and Exchange Commission, Insurance Commission at Privatization and Management Office.
Nauna rito, kinuwestiyon ni Santiago ang mga budget na isinalang sa plenaryo ng Senado noong nakaraang Lunes katulad ng Office of the Vice-President, Supreme Court, Presidential Communications Operation Office, DSWD, COA, DOTC at SEC.
Kinuwestiyon ni Santiago kung bakit kinakailangang magbayad ng DSWD ng nasa P2.5 bilyon para lamang sa pamamahagi ng pondo sa mga mahihirap.
Hindi rin komporme si Santiago sa P1.1 milyong budget ng DepEd para sa pagtatayo ng isang classroom.
- Latest