^

Bansa

No. 3 most wanted sa Maynila, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip habang namamasada ng pedicab ang isang 52- anyos na tinaguriang no. 3 most wanted sa Maynila ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Si Danilo Borromeo, may-asawa, ng no.14 Quezon St., Tondo ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosalyn Mislos-Loja ng RTC Branch 41 kaugnay sa pagpatay sa kaniyang kapatid na si Bernardo Borromeo noong Oktubre 17, 2011.

Sa report ni Chief Insp. Carlo Manuel, hepe ng Manila-CIDG, alas 12:30  ng hapon nang arestuhin si Danilo habang namamasada ng pedicab sa kanto ng Carmen Planas at Lakandula Sts. 

Matapos umanong ba­rilin at mapatay si Bernardo ay nagtago ang biktima subalit makalipas ng ilang buwan ay lumutang ito at muling namasada hanggang sa may nagnguso sa kaniya sa awtoridad.

Sa rekord ng kaso, inabangan umano ng suspect na may bitbit na baril ang kapatid at pinaputukan bago tumakas, na ang dahilan lang ay away kapatid na madalas na pagpapasaway ng bikitma.

vuukle comment

BERNARDO

BERNARDO BORROMEO

CARLO MANUEL

CARMEN PLANAS

CHIEF INSP

INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JUDGE ROSALYN MISLOS-LOJA

LAKANDULA STS

MAYNILA

QUEZON ST.

SI DANILO BORROMEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with