Hustisya sa ‘Maguindanao’ mabagal

MANILA, Philippines - Nababagalan si Maguindanao Representative Simeon Datumanong sa proseso ng paglilitis sa kaso ng Maguindanao massacre.

Sa kabila nito, aminado naman si Datuma­nong na hindi ito maiiwasan dahil sa dami ng testigo mula sa panig ng prosekusyon at de­pensa bukod pa rito ang pag-a-avail ng mga abogado ng magkabilang panig sa lahat.

Kumbinsido naman ang kongresista na mapapabilis ang nasabing pro­seso kung i-a-adopt ng korte ang estilo sa Estados Unidos kung saan sa pre-trial pa lamang sina­sala na ang bigat ng testimonya ng mga testigo.

Subalit sa bandang huli ang pinakamahalaga pa rin umano ay ang makamit ng mga biktima ang hustisya at masiguro na mapapanagot ang mga responsable dito.

Samantala, nanawagan naman sa Korte si House Deputy Mino­rity leader Milagros Magsaysay na pabilisin ang paglilitis sa kaso upang makamtan na ng mga biktima ang hustisya.

Giit ni Magsaysay tatl­ong taon na ang lumipas subalit ni hindi pa halos nangangalahati ang paglilitis sa kaso ng Maguindanao massacre bunsod na rin umano ng dilatory tactics ng panig ng depensa.

Samantala, siniguro naman ni Pangulong Aquino na ginagawa ng gob­yerno ang lahat upang mabilis na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng media killings kabilang na ang Maguindanao mas­sacre.

 

Show comments