^

Bansa

3rd anniv. ng Maguindanao massacre ginunita

Angie dela Cruz/Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginunita kahapon ng iba’t ibang media organizations ang ika-tatlong taong anibersaryo ng Ma­guindanao massacre.

Sinimulan ng Na­tional Press Club (NPC) ang ani­bersaryo sa isang misa sa San Agustin Church sa pangunguna ni Bishop Deogracias Yniguez para sa Honest, Orderly and Peaceful Election (HOPE) 2013, dahil ang election noong 2010 ang naging ugat ng masaker.

Sinundan ito ng Walk for HOPE 2013 mula San Agustin Church patungo sa Commission on Elections (Comelec) kung saan lumagda ang mga mamamahayag ng isang co­venant para sa pagda­raos ng mapayapang elec­ tion sa susunod na taon.

Sinunog din dito ang isang scarecrow effigy na sumisimbolo sa mga Ampatuan na itinuturong utak sa massacre.

Makaraan nito, nagsindi ng 58 kandila na sumisimbolo sa 58 indi­bidwal na biktima ng masaker sa isang commemo­rative marker sa NPC compound saka tumulak patungong Supreme Court (SC) bitbit ang 32 mock coffins saka nagtungo sa Mendiola para sunugin ang effigy na tinawag na Impunity Monster.

Ipinarada rin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang 153 kabaong na sumisimbolo sa 153 mama­mahayag na napaslang mula 1986, kasama ang 32 na nasawi sa masaker.

Umapela naman si NPC Vice President Mar­lon Purificacion sa Ma­lakanyang na bigyan ng proteksyon at kung maaari ay pagkalooban ng pansamantalang ma­tutuluyan sa Metro Manila ang mga kaanak ng mga biktima habang nagpapatuloy ang pagdinig sa kaso.

 

BISHOP DEOGRACIAS YNIGUEZ

IMPUNITY MONSTER

METRO MANILA

NATIONAL UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES

ORDERLY AND PEACEFUL ELECTION

PRESS CLUB

SAN AGUSTIN CHURCH

SHY

SUPREME COURT

VICE PRESIDENT MAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with