^

Bansa

Motorsiklo vs van: Rider patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang rider ang nasawi matapos itong salpukin ng isang van kahapon sa Caloocan City.

Namatay habang ginagamot sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Mario Benito, 31,  ng Jacinto St., ng nabanggit na  lungsod.

Nasa custody naman ng Caloocan City Police Traffic Bureau ang suspek na si Bryan Pepito, 22, ng Santo Domingo St., Quezon City at driver ng Elf Close Van (RKH-361) na sumalpok sa biktima.

Nganap ang insidente dakong alas-9:05 ng umaga sa kahabaan ng C-3 Road, Caloocan City habang lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo at papatawid sa nabanggit na lugar at salpukin ng  paparating at humaharurot na van na minamaneho ni Pepito.

Huli na bago nakontrol ni Pepito ang preno at nasalpok na nito ang biktima, dahilan upang tumilapon ito ng ilang metro ang layo.

Mabilis na isinugod ang biktima sa nabanggit na ospital, subalit habang ginagamot ito ay binawian ng buhay at ang suspek naman ay sumuko sa mga pulis.

vuukle comment

BRYAN PEPITO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE TRAFFIC BUREAU

ELF CLOSE VAN

JACINTO ST.

MARIO BENITO

PEPITO

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

SANTO DOMINGO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with