Mla. RTC judge kinasuhan

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong administratibo sa Office of the Court Ad­mi­nistrator (OCA) ng Korte Suprema ang isang trial court judge dahil sa umano’y “pagkiling” sa alitan ng Manila Harbour Centre Industrial Park Association, Inc. (MHCIPAI) at MHC Development and Management Corp (MHCDMC).

Sa 9-pahinang rek­lamo ni Atty. Crescencio Nem­­­bres ng R-II Builders, inakusahan nito si Manila RTC Branch 24 judge Lyliha Abella Aquino ng pag-isyu ng isang “unjust interlocutory order or judgment,” kasama na ang “gross ignorance of the law, bad faith and gross impartiality in vio­lation of the Code of Ju­ dicial Ethics and the Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019).”

Kasalukuyang may na­kabinbin na usaping ligal sa korte ang dala­wang grupo kung sino ang mamahala sa “common areas” at iba pang pasilidad ng Manila Harbour Centre Industrial Park sa Tondo, Manila.

Sa isang desisyon ni Judge Antonio Eugenio noong Agosto 3, 2010, ina­tasan nito ang R-II Builders, developer ng pasilidad, na bumuo ng sa­mahan ng mga “locators” kung saan nailabas ang “writ of execution” no­ong Abril 3, 2012.

Naghain naman ng “motion to quash” ang R-II Builders at si­nabi nitong nasunod na ang utos ng korte na mag­buo ng samahan ng mga locators na tatawa­ging ‘MHC Development and Ma­­nagement Corp. (MHCDC) kaya hindi na kailangan ang “writ of exe­cution”.

Ayon sa R-II “nilabag” ng mga kasapi ng MHCIPAI sa pangunguna ng Philippine Foremost Mil­ling at Aileen Ongkauko ang kanilang “compromise agreement” sa nasabing usapin.

Sa desisyon naman ni Aquino noong Oktubre 19, binalewala umano ng korte ang mosyon ng R-II kasabay ng pag-uutos sa MHCDMC na ipasa na sa MHCIPAI ang “management” ng pasilidad.

Himutok naman ni Nembres, “sumobra” si Aquino sa desisyon nito dahil kahit ang hindi mga sangkot sa usapin katulad ng Home Gua­ranty Corporation (HGC) ay binigyang karapatan nito na “makisawsaw” sa kontrobersiya.

Noong isang linggo, hawak ang desisyon ni Aquino, tinangka ng HGC na agawin ang pamamahala sa MHC kasama ang mga “court sheriff” ng Maynila.

 

Show comments