^

Bansa

Gulo sa North Harbour tumindi

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Naging magulo ang ina­asahang maayos  na pagpapatupad ng utos ng korte para lisanin ng R2 Builders ang Manila North Harbour Center at ibigay ang kontrol sa lugar kasama ang pasilidad sa asosasyon ng mga locators sa naturang lugar.

Dahil nabigo ang mga pulis ng Manila Police District Special Weapons and Tactics (MPD-SWAT) at MPD Station 1 ay nakuha pang kasahan ng baril ng guwardya ng R2 Builders ang abugado ng Home Guaranty Corporation (HGC) na si Attorney Quevedo. Ang HGC ang nagmamay-ari ng naturang lupain at matagal na nilang gustong paalisin ang R2 dito, dahil sa umano’y mga paglabag sa kanilang lease agreement.

Kaugnay nito nagpulong ang mga locators dito sa ilalim ng samahang Manila Harbour Centre Industrial Park Association Inc. at ang HGC upang ihain ang isang show cause at contempt sa korte sa pagsuway ng R2 Builders sa nauna ng utos ng Manila RTC branch 24 nuong Oktubre 19.

Nuong Biyernes isinakatuparan sana ang utos ng korte na ilipat ang pangangasiwa sa pasilidad mula sa R2 Builders patungo sa locators association pero hindi ito sinunod ng mga guwardya. Ang kontrobersyal na lupain na may lawak na 79 ektarya ay ginawa na rin umanong imbakan ng uling.

Maging si Vice President Jejomar Binay na pinuno din ng HGC ay nagsabi na mag-aassign na siya ng PNP officer na siyang mangunguna sa writ of execution dahil sa kabiguan ng pamunuan ng pulisya na ipatupad ito.  

ATTORNEY QUEVEDO

DAHIL

HOME GUARANTY CORPORATION

KAUGNAY

MANILA HARBOUR CENTRE INDUSTRIAL PARK ASSOCIATION INC

MANILA NORTH HARBOUR CENTER

MANILA POLICE DISTRICT SPECIAL WEAPONS AND TACTICS

NUONG BIYERNES

OKTUBRE

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with