^

Bansa

11 Vietnamese, nasagip ng Navy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Navy ang 11 mangingisdang Vietnamese na ilang araw ng palutang-lutang sa West Philippine Sea, Bugsuk Island, Balabac, Palawan kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Navy Spokesman Col. Omar Tonsay, bandang alas-2:30 ng hapon ng makatanggap ng distress call ang Coast Watch Center–West hinggil sa papalubog na Vietna­mese fishing boat sa baha­gi ng nasabing karagatan.

Agad namang nag­responde ang BRP Ismael Lomibao (Patrol Gunship 383) at nasagip ang 11 mangingisdang Vietna­mese.

Bandang alas-7:00 ng umaga ng dumating sa pier ng Balabac ang mga elemento ng Philippine Navy kasama ang mga nailigtas na mangingisdang Vietnamese na mula pa sa Quay Ngai, Vietnam.

Ayon sa opisyal, hindi pa nakuha ang pangalan ng mga nailigtas na mga mangingisda dahil hindi marunong mag-English at kailangan pa ng interpreter.

Nabatid na pumalaot upang mangisda ang nasabing mga Vietnamese may 1,500 yards sa West Philippine Sea sa bahagi ng Discovery Great Reef noon pang Nobyembre 6 nang magka-aberya ang sinasakyang motor bangka.

vuukle comment

AYON

BALABAC

BUGSUK ISLAND

COAST WATCH CENTER

DISCOVERY GREAT REEF

ISMAEL LOMIBAO

NAVY SPOKESMAN COL

OMAR TONSAY

PHILIPPINE NAVY

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with