^

Bansa

DFA bahala sa sexual harassment ng Phl envoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinauubaya ng Malacañang sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang reklamong sexual harassment ng isang OFW laban kay Philippine Ambassador to Kuwait Shulan Primavera.

Magugunita na inireklamo ng isang OFW sa Blas Ople Center si Primavera dahil sa umano’y pangmo-molestiya sa kanyang Pinay maid sa Kuwait. 

Wika ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, humihingi ng permiso ang DFA kay Pangulong Aquino upang imbestigahan si Prima­vera sang-ayon sa Foreign Service Act.

Pinababalik na sa bansa ng DFA ang ambassador at iniutos na ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na i-recall si Primavera, 63.

Si Primavera ay appointee ni Pangulong Aquino noong Hunyo 2010 bilang ambassador sa Kuwait. 

Nilinaw ng DFA na wala pang rekomendasyon na ibinababa upang suspindihin si Primavera habang isinasagawa ang pagsisiyasat.

 

ABIGAIL VALTE

BLAS OPLE CENTER

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DEPUTY PRESIDENTIAL

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

FOREIGN SERVICE ACT

HUNYO

KUWAIT SHULAN PRIMAVERA

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE AMBASSADOR

SI PRIMAVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with