Magsasaka duda sa pahayag ni Drilon
MANILA, Philippines - Pinagdudahan ng PhilTobacco Growers Association (PTGA) ang pahayag ni Sen. Franklin Drilon na hindi mamamatay ang industriya ng tobacco sa sandaling maisabatas ang bersiyon niya ng sin tax bill.
Naniniwala ang grupo na may “hidden agenda” ang mga naunang pahayag ng senador na tumitiyak na hindi mamamatay ang tobacco industry sa sandaling lumusot na sa Senado ang bagong bersiyon ng panukala na naglalayong itaas ang buwis sa alak at sigarilyo.
Ang PTGA ay kumakatawan sa 20,000 tobacco growers mula sa mga probinsiya ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Abra, Isabela, Cagayan at Occidental Mindoro.
Ayon kay PTGA president Saturnino Distor, kung titingnan ang mga pahayag ni Drilon sa mga nakaraang plenary debate makikita ang pagiging bias nito laban sa tobacco industry at sa layunin niyang mawala na ang tobacco industry.
“Napakinggan namin ang mga pahayag ni Senador Drilon tungkol sa panukalang pagtataas ng buwis sa sigarilyo at kami ay lubos na nababahala dahil dito namin nakita na ang kanyang hidden agenda ay patayin ang industriya ng tabako sa bansa,” sabi ni Distor.
Inihalimbawa ni Distor ang mga pahayag ni Drilon na ang substitute excise tax bill ay hindi isang fiscal reform package kundi isang “critical health reform measure in the exercise of the government of its police power.”
Naniniwala rin ang grupo ng mga tobacco farmers na “misleading” ang period of comparison na ginamit ni Drilon dahil hind umano nito ikinonsidera ang malakas na revival ng tobacco industry simula noong 2008 matapos makipag-team up ang pribadong sector sa mga tobacco growers.
“Senator Drilon, please do not insult us by telling us that we only produce poor quality tobacco and by promising us alms. Tobacco farmers are hard-working people. We do not want to burden anyone. We just want to continue doing our jobs and providing for our families the best way we can,” pahayag ni Distor.
- Latest





















