Military lalakas sa kasunduan ng Phl, Canada
MANILA, Philippines - Lumagda kahapon sa isang memorandum of understanding (MOU) ang Pilipinas at Canada para sa pagbili ng bansa ng defense at military equipment sa Canada.
Ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at Canadian Commercial Corporation ay pinirmahan sa harap nina Pangulong Benigno Aquino III at Canadian Prime Minister Stephen Harper sa Malacañang.
Layunin ng MOU na matiyak na magiging mabilis ang transaksiyon at mga de-kalidad na equipment ang makukuha ng bansa kung saan magkakaroon ng government-to-government transaction.
Matitiyak din umano sa nasabing MOU na hindi magkakaroon ng over-pricing para sa mga bibilhing gamit ng militar.
Kabilang sa mga delegasyon ni Harper sina ministers Ed Fast (International Trade); Joseph Oliver (Natural Resources); Filipino-Canadian Senator Tobias Enverga Jr. at 10 pang kasapi ng Filipino-Canadian community.
Sinabi ni Pangulong Aquino na ang pagbisita ni Harper sa Pilipinas ang “highest level visit” mula sa Canada sa nakaraang 15 taon.
“The visit of Prime Minister Harper to the Philippines—the highest-level visit from Canada in fifteen years—is a fitting testament to the closer relations we enjoy with their country. And we are certain that this is only the beginning of deepened engagement our two countries will enjoy,” anang Pangulo.
Binanggit din ng Pangulo na ang mga Filipino sa Canada ang pinakamaraming bilang ng mga migrant workers.
Sinabi pa ng Pangulo ng “very fruitful” ang naging meeting niya sa Prime Minister ng Canada kasama ang kanyang delegasyon.
- Latest



















