^

Bansa

PNoy dadalo sa ASEM

EllenFernando/Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mainit na pagsalubong ang igagawad ng mga Filipino community kay Pangulong Aquino sa kanyang pagdating at opisyal na pagbisita sa Laos ngayong araw.

Isang hapunan sa Mekong Restaurant sa Vientiane ang inihanda ng Embahada at Pinoy community members at kanilang mga anak para sa Pangulo bilang unang aktibidad na dinaluhan nito sa kanyang opisyal na pagbisita. 

Ayon sa DFA, ang Pa­ngulo ay nasa Laos para dumalo sa 9th Asia-Europe Meeting (ASEM) ngayong Nobyembre 5 at 6.

Nabatid na may 550 Pinoy ang nasa Laos na karamihan ay nakabase sa Vientiane at mga pro­pesyunal at skilled workers sa larangan ng education, mining, engineering, agriculture at sa service sectors.  

Nabatid na naglaan ng P8.9 milyon ang gob­yerno para sa biyahe ni Pangulong Aquino at de­legasyon nito.

ASIA-EUROPE MEETING

AYON

EMBAHADA

ISANG

MEKONG RESTAURANT

NABATID

NOBYEMBRE

PANGULO

PANGULONG AQUINO

PINOY

VIENTIANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with