Bangka lumubog: Mag-ama lunod
MANILA, Philippines - Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-ama matapos na lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatang sakop ng Barangay Toytoy sa bayan ng Camaroran, Catanduanes noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ang mag-amang nasawi na sina Jose Ferrer, 45; at Jeric Ferrer, 2 , kapwa nakatira sa Barangay Dario.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame dakong alas- 7 ng gabi nang sumalpok ang bangka ng mag-mag-ama sa batong isla sa gitna ng dagat kaya nabutas ito.
Dahil dito ay pinasok ng tubig ang bangka hanggang sa tuluyang lumubog at nalunod ang mag-ama na pauwi na sana.
Nabatid na hindi marunong lumangoy si Jose kaya nabigong mailigtas ang kaniyang sarili at maging ang kaniyang anak na kasama nitong namangka.
Narekober naman ang bangkay ng mag-ama kasunod ng isinagawang search and rescue operation ng lokal na pamahalaan sa tulong ng mga mangingisda sa nasabing lugar.
- Latest