^

Bansa

DENR officials pinakakasuhan

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Hiniling kamakailan ni Agham partylist Rep. Angelo Palmones na kanselahin na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ramon Paje ang unang sertipikasyon ng ahensya (CNC-NCR-1104-0025) na nakapagbigay permiso na makapag-imbak ng tone-toneladang uling ang Harbour Port Center Terminal Inc. sa Rio Vitas, Tondo, Manila.

Hiniling din nito na kasuhan ang mga DENR officials at employees na nagbigay ng maanomalyang sertipikasyon na pumabor sa Harbour.

Ang naturang CNC ay ipi­nalabas umano kahit na walang ebidensya ng pagmamay-ari o karapatan para sa naturang lupang pinag-imbakan at sa kabila na ang paggamit dito bilang imbakan ng uling ay lumalabag sa kondisyon mismo ng CNC at ng writ of continuing mandamus na inilabas ng Korte Suprema nuon pang Disyembre 18, 2008. 

Ang mandamus ng Korte ay inilabas para protektahan ang kalikasan at yamang dagat ng Manila bay at mga karatig na lugar.

Sa sulat ni Palmones sa Ombudsman, sinabi nito na malinaw na paglabag sa mga batas at alintuntunin ang pagbibigay ng CNC ng hindi naipapakita ang katibayan ng pagmamay-ari sa naturang lote na pinag-imbakan ng uling.  Malinaw, ani Palmones may mga paglabag sa batas at pagsira sa kalikasan dahil sa ‘di tamang aksyon ng ilang opisyal at kawani sa DENR kaya dapat sila ay masusing maimbestigahan kasama ng ilang pribadong grupo.

AGHAM

ANGELO PALMONES

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DISYEMBRE

HARBOUR PORT CENTER TERMINAL INC

HINILING

KORTE SUPREMA

PALMONES

RIO VITAS

SECRETARY RAMON PAJE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with