JBC itinakda ang pagpili para sa shortlist ng bagong mahistrado
MANILA, Philippines - Itinakda na ng Judicial and Bar Council ang petsa sa pagpili sa mga kandidatong isasama sa shortlist na posibleng sumunod na mahistrado ng Korte Suprema.
Sa panayam kay Atty. Jose Mejia, miyembro ng JBC, ang botohan ay itinakda sa Nobyembre 7, 2012 sa ganap na alas-8:00 ng umaga.
Kabilang sa mga pagpipilian para mapasama sa shortlist na isusumite kay Pangulong Aquino, sina Court of Appeals (CA) presiding Justice Andres Reyes Jr., CA Associate Justices Ramon Bato Jr., Rosemari Carandang, Jose Reyes Jr., Noel Tijam, Magdangal de Leon at Isaias Dicdican.
Kasama rin sina Dean Jose Bisquera, Sandiganbayan Associate Justice Maria Cristina Cornejo, da-ting RTC Judge Adoracion Cruz-Avisado, GRP Chief negotiator Marvic Leonen, dating Energy Secretary Raphael Perpetuo Lotilla, De La Salle University Law Dean Jose Manuel Diokno, Securities and Exchange Commission Chairperson Teresita Herbosa, at dating Ateneo Law Dean Cesar Villanueva.
Ang nabakanteng puwesto sa SC ay dahil sa pagkakatalaga ni Pangulong Aquino kay Associate Justice Ma. Lourdes Sereno bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
- Latest
- Trending