PNoy nag-inspeksiyon sa NAIA

MANILA, Philippines - Nagsagawa kaha­pon ng inspection si Pangulong Aquino sa Ninoy Aquino International Airport terminal 2 gayundin sa bus terminal sa Pasay City.

Nais ng Pangulo na masigurong nailatag ng maayos ng mga con­cerned government agencies ang kanilang Oplan Undas para sa kaligtasan sa pagbiyahe ng mga pauwi sa kani-kanilang lalawigan para dalawin ang kanilang namayapang mahal sa buhay sa All Saints Day at All Soul’s Day.

Unang pinuntahan kahapon ni Pangulong Aquino ang NAIA 2 terminal saka nagtungo sa isang bus terminal sa Pasay City.

Nakatakdang dalawin din ng Pangulo kasama ang kanyang mga kapatid at kaanak ang puntod ng kanilang magulang na sina dating Pangulong Cory Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino Jr. sa Manila Memorial Park.

Show comments