^

Bansa

M’cañang may paalala kay Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan kahapon ng Malacañang si Davao Vice Mayor Rodrigo Duterte na may karapatan din ang mga akusado at dapat sundin ang proseso ng batas.

Ito’y kasunod ng ulat na nakahandang magbigay ng P4 mil­yon si Duterte para sa sinumang makakapatay sa wanted na lider ng carnapping group na si Ryan Cane Yap-Yu alyas Baktin, P2 milyon para sa makakaaresto dito ng buhay at P5 milyon sa makakapagdala sa ulo nito sa kaniyang opisina.

Aminado si deputy presidential spokesperson Abigail Valte na nasa discretion ng mga lokal na opisyal ang pagbibigay ng bounty pero dapat pa ring sundin ang pro­seso ng batas.

Hindi anya hinihikayat ng Malacañang ang pananakot sa bayolenteng paraan dahil lahat ng akusado ay dapat pa ring dumaan sa tamang proseso.

Sinabi rin ni Valte na hindi nila ineengganyo ang “vigilantism” dito sa bansa bagaman at wala namang problema sa pagbibigay ng reward pero hindi kailangang maging marahas ang pagkuha sa akusado.

ABIGAIL VALTE

AMINADO

BAKTIN

DAVAO VICE MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

MALACA

PINAALALAHANAN

RYAN CANE YAP-YU

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with