^

Bansa

DOH maglalabas ng guidelines vs stem cell therapy clinic

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maglalabas na ng guidelines ang Department of Health (DoH) kaugnay ng mga naglipanang mga stem cell therapy clinic sa buong bansa.

Kasabay nito, nanawagan si Health Secretary Enrique Ona sa publiko na ipagpaliban muna ang mga schedule nilang pagpapasailalim ng stem cell therapy.

Aniya, may mga kumakalat na impormasyon na sa hayop kinukuha ang ilang ginagamit sa naturang proseso.

Ayon kay Ona, posibleng sa loob ng dalawang linggo ay makapagpalabas ng paunang rekomendasyon ang binuong panel of experts, matapos ang dayalogo sa mga nagpapatakbo ng mga stem cell clinic sa bansa.

Binalaan din ng kalihim ang publiko na lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao ang anumang pro­seso kung ito ay walang pahintulot ng mga eksperto sa larangan ng medesina.

 

vuukle comment

ANIYA

AYON

BINALAAN

CELL

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

KASABAY

MAGLALABAS

STEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with