Hindi pagdalo ni PNoy sa canonization, inaasahan ng simbahan
MANILA, Philippines - Inaasahan na ng simbahan ang hindi pagdalo ng Pangulong Benigno Simeon Aquino III sa canonization ni San Pedro Calungsod sa Vatican City, Roma noong Linggo ng hapon.
Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, hindi naman talaga nakikiisa ang Pangulo sa mga gawain o banal na pagdiriwang ng Simbahang Katoliko.
Sinabi ni Cruz, noon pa man ay kapansin-pansin na ang pagiging malayo ng Pangulong Aquino sa Diyos dahil sa pagsusulong nito ng mga panukalang batas na hindi nakabatay sa turo at doktrina ng Simbahan gaya ng Reproductive Health (RH) bill.
Anang arsobispo, ang pangulo umano ay isang “consummate politician” kaya hindi ito sumusunod sa turo ng Simbahang Katoliko.
Si Vice President Jejomar Binay ang naging kinatawan ng Pangulo sa makasaysayang pagdedeklarang santo kay San Pedro Calungsod.
- Latest