Panukala ng UN na legalization ng prostitusyon pinagtawanan
MANILA, Philippines - Pinagtawanan lamang ng isang political analyst ang panukala ng United Nations (UN) na gawing legal ang prostitusyon o ang pagbebenta ng katawan ng mga lalaki at babae.
Sinabi ni Ed Malay, sa ginanap na Balitaan sa Tinapayan, , na hindi na dapat pakialaman ng UN ang nabanggit na usapin tulad ng prostitusiyon.
Aniya, dapat na ipaubaya na lamang sa mga indibiduwal na bansa kung paano lulutasin ang problema sa prostitusyon.
Mas marami pang isyu na dapat na panghimasukan ng UN at hindi tulad ng mga itong ito.
Naniniwala rin si Malay na malaki ang kinalaman ng RH bill sa nabanggit na rekomendasyon lalo pa aniya at malinaw na may concerted effort ang malalaking bansa para ibagsak ang moral foundation ng mga developing o third world countries.
Ipinunto pa ni Malay na layon din nito na kontrolin ang populasyon ng mga maliliit na bansa upang mapreserba ang likas na yaman na gagamitin ng mga advanced country.
- Latest