^

Bansa

Maagang pagboto ng media gagawin tuwing eleksiyon na

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinuri ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, ang naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na payagan ang mahigit sa 200,000 miyembro ng media na makaboto ng mas maaga sa May 2013 elections.

Ayon kay Pimentel, maraming miyembro ng media ang hindi nakaka­boto dahil na rin sa ka­ni­lang trabaho na halos buong araw na nagko-cover tuwing may halalan.

“I am glad that the Comelec on its own has corrected this injustice to media practitioners. It is an irony that the members of the fourth estate are not able to exercise their right in a democracy that they themselves strive to strengthen through their work,” pahayag ni Pimentel, chairman ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation at siyang naghain ng Se­nate Bill 1198 na naglala­yong makaboto ang mga miyembro ng media ng mas maaga tuwing may eleksiyon.

Nangako si Pimentel na isusulong pa rin ang panukala upang magkaroon ng batas na sisiguradong makakaboto palagi ng mas maaga sa itinakdang araw ng eleksiyon ang mga miyembro ng media sa bansa.

AYON

COMELEC

ELECTORAL REFORMS AND PEOPLE

MAAGA

MEDIA

MIYEMBRO

NANGAKO

PIMENTEL

PINURI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with