^

Bansa

FOI naghihingalo na

- Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inamin ng pangunahing may akda ng kontrobersyal na Freedom of Information (FOI) bill na naghihingalo na ang kanyang panukalang batas.

Ayon kay House De­puty Speaker at Quezon Rep. Erin Tañada, naghihingalo na ang FOI bill dahil na rin sa itinakda ang pagdinig nito sa Nob­yembre 13 ay parang inilagay na rin ito sa “intensive care unit” ni Rep. Ben Evardone.

Dahil dito kayat lalo umanong lumiit ang pag-asa ng nasabing panukalang batas lalo pa at magkakaroon ng break ang Kamara sa Disyembre kahit pa maipasa ito sa committee level ng Nobyembre 13.

Giit pa ni Tañada mas malabo na rin itong  matalakay sa Enero dahil magiging abala naman ang mga kongresista sa pangangampanya dahil sa May elections.

Una ng inihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte na diringgin ang FOI bill sa susunod na linggo subalit katwiran naman ni Evardone na siyang chairman ng committee na hindi matutuloy ang hearing dahil sa walang bakanteng kwarto na maaaring pagdausan nito.

Dahil dito kayat su­mang-ayon na rin si Belmonte sa itinakdang petsa ni Evardone matapos umano nitong kausapin si Tañada.

AYON

BELMONTE

BEN EVARDONE

DAHIL

ERIN TA

EVARDONE

FREEDOM OF INFORMATION

HOUSE DE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

QUEZON REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with