'Marce' lumalakas
MANILA, Philippines - Patuloy ang paglakas ng bagyong Marce habang kumikilos sa timog silangan.
Namataan ng Pagasa ang sentro ni Marce sa layong 270 kilometro kanluran ng Iba, Zambales taglay ang lakas ng hanging 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 100 kilometro bawat oras.
Bagama’t walang nakataas na anumang public storm warning signal ang bagyo habang isinusulat ang balitang ito, may mga pag-uulan sa west coast ng Luzon, mula Ilocos Provinces hanggang Batangas at Mindoro kasama na ang Lubang Island dahil sa epekto ng bagyo.
Paiigtingin din ng bagyo ang habagat na siyang nagdudulot ng maulap na kalangitan na may mga mga pag-uulan sa Northern Luzon, Zambales, Bataan, Bulacan, Cavite at Laguna kasama ang Metro Manila.
Ngayong Huwebes, si Marce ay inaasahang nasa layong 455 kilometro kanluran ng Ambulong, Batangas at sa Biyernes ay nasa layong 650 km kanluran ng Metro, Manila.
- Latest
- Trending