^

Bansa

Cybercrime Law tuloy na

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tuloy na ang implementasyon ngayong araw, ng Republic Act 10175 o ang kontrobersiyal na Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ito’y matapos na ma­bigo ang mga mahistrado ng Korte Suprema na tugunin o aksiyunan ang mga petition na naglalayong mapigilan ang RA 10175 dahil sa itinuturing na labag sa batas.

Sa katatapos na en banc session ng Supreme Court noong Oktubre 2, 2012, ipinagpaliban ang deliberasyon laban sa tinututulang batas dahil sa kawalan ng ibang mahistrado.

Dahil dito,  itinakda muli ang pagresolba ng mga justice sa nabanggit na usapin sa Oktubre 9, 2012.

Nabatid na sina Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Pe­ralta at Mariano del Castillo ay nasa official business sa ibang bansa. Dalawa namang mahistrado ang absent.

Sa record, pito ang petition mula sa iba’t ibang organisasyon na idinulog sa SC laban sa RA 10175 dahil sa pagiging labag ng iba’t ibang probisyon sa 1987 Constitution gaya ng probisyon sa freedom of speech, equal protection of the law, right to privacy, illegal searches and seizures at ang double jeopardy clause.

Bunsod nito, sinabi naman ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na hindi na maamyendahan ang nasabing batas dahil sa kakapusan na ng panahon lalo na at malapit na ang 2013 midterm elections.

Dahil dito kayat mahihirapan na silang makakuha pa ng quorum sa Kamara dahil abala na sa kani-kanilang distrito ang mga kongresista.

Bukod dito, mas maraming importanteng batas pa ang nakabinbin ngayon sa Kamara na dapat din unahing talakayin at aprubahan. (May ulat ni Gemma Garcia)

ASSOCIATE JUSTICES LUCAS BERSAMIN

CYBERCRIME PREVENTION ACT

DAHIL

DIOSDADO PE

GEMMA GARCIA

HOUSE MAJORITY LEADER NEPTALI GONZALES

KAMARA

KORTE SUPREMA

OKTUBRE

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with