^

Bansa

UNA bets ipagmamaneho ni Erap papuntang Comelec

Nina - Malou Escudero/Rudy Andal - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Sasakay sa “jeep ni Erap” ang mga kandidato sa pagka-senador ng United Nationalist Alliance o UNA sa gagawin nilang paghahain ng certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) sa Lunes.

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, mismong si dating Pangulong Joseph Estrada ang magmama­neho sa kanila patungong Comelec.

Magtitipon-tipon sila sa Manila Hotel bandang alas-11 ng umaga pagkatapos ay sasakay sa Jeep ni Erap patungong Comelec bandang ala-1 ng hapon.

Nagbibiro pang sinabi ni Honasan na kung si Erap ang kanilang driver, hindi niya alam kung aaktong konduktor naman si Senate President Juan Ponce Enrile o si Vice President Jejomar Binay.

Dahil UNA umano ang kanilang coalition, itataon nila sa unang araw ng filing ng COC ang pagpa-file ng kanilang kandi­datura.

Inihayag naman ni Sen. Chiz Escudero na mag-isa lamang siyang maghahain ng kaniyang kandidatura sa Oktubre 2.

Hindi na umano niya kailangan ng anumang gimik sa paghahain ng kaniyang COC.

Samantala, nabigong makumbinsi ni Pangulong Aquino si Sen. Loren Legarda na maging pang-12 kandidato ng Liberal Party sa 2013 se­natorial race.

Sinabi ng impormante, walang solidong ‘oo’ ang naging sagot ni Legarda sa Pangulo sa alok nito na tumakbo bilang guest candidate. Nakasagot na raw si Legarda sa UNA nina Estrada at Binay.

Napag-alaman na isa na lamang ang hinaha­nap ng administrasyon upang mabuo ang kanilang se­natorial ticket. 

vuukle comment

CHIZ ESCUDERO

COMELEC

ERAP

GREGORIO HONASAN

LEGARDA

LIBERAL PARTY

LOREN LEGARDA

MANILA HOTEL

PANGULONG AQUINO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with