^

Bansa

Filing ng COCs tuloy na sa Okt. 1-5

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy na ang paghahain ng Certificate of Candidacy sa Oktubre 1 hanggang Oktubre 5.

Inihayag ito ni Come­lec Chairman Sixto Brillantes kasunod ng hiling ni Election Lawyer Romulo Macalintal na maiurong ang petsa ng paghahain ng kandidatura sa Nobyembre 15-20.

Sinabi ni Brillantes na naaprubahan na nila ang petsa ng paghahain ng COC limang buwan na ang nakakalipas kaya nagtataka siya kung bakit ngayon lamang hiniling ni Macalintal ang pagpapa­liban ng paghahain ng kandidatura.

Nababahala si Brillantes na kapag pinagbigyan nila ang hiling ni Macalintal, maaring maantala ang preparasyon sa 2013 midterm elections gaya ng pagresolba sa mga kaso ng diskwalipikasyon at mga nuissance candidate.

Hindi umano biro ang panahong gugugulin sa pagdinig sa mga ito na kailangan nilang matapos hanggang Disyembre dahil sa Enero ay sisimulan na nila ang pag­lilimbag ng mga balota.

Ang paghahain ng COC ay mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

BRILLANTES

CERTIFICATE OF CANDIDACY

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

DISYEMBRE

ELECTION LAWYER ROMULO MACALINTAL

ENERO

INIHAYAG

MACALINTAL

OKTUBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with