^

Bansa

Online libel 12 yrs. kulong

- Malou Escudero - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Balak harangin ni Senator Teofisto “TG” Guingona Jr. ang pagpapatupad ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act  of 2012 dahil sa naisingit na pro­ bisyon kung saan papatawan ng 12 taong pagkabilanggo ang mga maaakusahan ng libel sa pamamagitan ng paggamit ng internet katulad ng Facebook at Twitter.

Ayon kay Guingona, mapanupil ang nasabing panukala at kontra ito sa ginagarantiyahan ng Konstitusyon na kala­yaan sa pagpapahayag.

Nauna ng kinontra ni Guingona sa plenaryo ng Senado ang pagpasa ng panukala dahil sa “problematic provisions” nito kung saan mas ma­taas pa ang parusa sa online libel kaysa sa traditional print media.

Nilinaw ni Guingona na hindi niya tinututulan ang pangangailangan ng bansa para sa Cybercrime Prevention Act pero ang nasabing batas na ipinasa kamakailan ay may ‘problematic provisions dahil sa isiningit na probisyon ng libel na inilagay bago ipasa ang batas sa Senado.

Maari aniyang kasuhan ng online libel ang isang taong bumatikos sa isang pulitiko, actor at ibang tao sa pamamagitan ng tweets. Puwede ring kasuhan ang nagbigay ng comment sa isang mapanirang Facebook status o nag re-tweets ng mensahe sa twitter.

Sa traditional media ang libel ay may parusa lamang ng hanggang apat na taong pagka­bilanggo pero sa online libel ito ay ginawang 12 taong pagkabilanggo.

“With the new law, a person can now be prosecuted for libel under the Revised Penal Code and libel under the Cybercrime Prevention Act. This is contrary to the 1987 Constitution which protects its people against double jeopardy,” sabi ni Guingona.

Base sa journal ng Senado, si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang nag­singit ng libel sa Cybercrime Prevention Bill bago ito ipinasa sa Senado.

vuukle comment

CYBERCRIME PREVENTION ACT

CYBERCRIME PREVENTION BILL

FACEBOOK

GUINGONA

GUINGONA JR.

LIBEL

REPUBLIC ACT

REVISED PENAL CODE

SENADO

SENATE MAJORITY LEADER VICENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with