Iniulat ko lang ang senador na nagbenta sa bansa - Enrile
MANILA, Philippines - Sa gitna ng patuloy na iringan sa pagitan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Antonio Trillanes, sinabi kahapon ng lider ng Senado na ini-report lamang niya ang asal ng isang senador na ibinibenta ang republika sa ibang bansa.
Ayon kay Sen. Enrile, bilang senador, katungkulan ni Trillanes na protektahan ang bansa at hindi ito ilagay sa alanganin.
Sinabi pa ni Enrile na dapat pag-aralan muna ng mga kumukuwestiyon sa tinatawag na “Brady notes” ang nilalaman nito bago siya akusahan na nagkamali sa pagre-report nito sa plenaryo ng Senado.
Inihayag pa ni Enrile na ang nasabing notes ni dating Philippine Ambassador to China na si Sonia Brady ay ginawa noon lamang ika-12 sa pakikipag-meeting ni Trillanes sa China.
Samantala, kinuwestiyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kung paano napunta sa kamay ni Enrile ang nasabing “Brady notes”.
Sinabi ni Santiago na dapat ay itinago na lamang at ginawang pribado ang nasabing “Brady notes” at hindi inilabas sa publiko.
- Latest
- Trending