OFWs pwede na sa Vatican, Monaco
MANILA, Philippines - Maaari na ngayong magpadala ng mga overseas Filipino workers sa Vatican at Monaco.
Nakasaad sa POEA Governing Board Resolution No. 9-2012 na nakasunod ang dalawang bansa sa mga requirements na isinasaad sa Republic Act 10022 o Migrant Workers Act kaya’t pinayagan na ang pagpapadala ng OFWs doon.
Batay sa Section 3 ng RA 10022, papayagan lamang ang deployment ng OFW sa isang host country kung ito ay may umiiral na “labor and social laws” na nagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga manggagawa; signatory sa multilateral conventions, at may bilateral agreement sa pamahalaang Pilipinas para sa proteksyon ng karapatan ng mga OFWs.
Umabot na sa 186 bansa ang inaprubahan ng POEA para makapagpadala ng mga OFWs.
May 17 bansa naman ang walang sertipikasyon mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) na nagsesertipika na sila’y mga OFW friendly.
Ang sertipikasyon naman para sa Libya at Iraq ay nirerebisa pa kasunod na rin ng mga developments sa dalawang bansa.
- Latest
- Trending