'Lawin' humina
MANILA, Philippines - Humina ang bagyong Lawin nang magbago ito ng direksiyon patungo sa hilaga hilagang kanlurang direksiyon.
Alas-12 ng tanghali kahapon, si Lawin ay namataan sa layong 390 kilometro silangan ng Borongan, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin hanggang 120 kilometro bawat oras.
Ngayong Linggo, si Lawin ay inaasahang nasa layong 330 kilometro silangan ng Borongan at sa Lunes ay nasa layong 290 km hilagang silangan ng Borongan, sa Martes ay nasa layong 290 km hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
Nananatiling nasa ilalim ng signal no, 2 ang eastern Samar at signal no. 1 sa northern Samar at western Samar.
Pinapayuhan ng Pagasa ang mga mangingisda sa nabanggit na lugar na huwag munang maglayag dahil sa malaking alon na epekto ng bagyo.
Patuloy namang pinag-iingat ng Pagasa ang mga taga Metro Manila sa mga pag-uulan dulot ng thunderstorm.
- Latest
- Trending