^

Bansa

Villanueva sa 2013 senatorial race itinulak ng partylist bloc

- Rudy Andal - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Hinihimok ng mga miyembro ng partylist bloc sa Kamara si TESDA Sec. Joel Villanueva na ituloy nito ang pagtakbo bilang senador sa 2013 senatorial race.

Ayon sa partylist bloc sa Kongreso, malaki ang tsansa ni Sec. Villanueva na manalo sa darating na senatorial race dahil na rin sa malaking nagawa nito bilang TESDA director-general.

Naniniwala ang party­list bloc na mas makakapagsilbi si Sec. Villanueva sa taumbayan kung magiging senador ito.

“Aside from being an outstanding legislator for 9 years representing the partylist Cibac, he has learned enough from his experience as TESDA chief and he has  seen the template in generating more jobs for the Filipino people,” dagdag pa ng partylist bloc.

Kamakailan ay sinabi ni Villanueva na bagama’t kinukunsidera niya ang surveys ay hindi naman ito lang ang kanyang magiging batayan sa pag­dedesisyon kung tatakbo ito sa 2013 senatorial race.

Mula sa rank 49-60 noong nakaraang taon ay umangat ito sa rank 25 at 18 naman sa kasalukuyan.

Kasalukuyang nakikipag-usap pa rin ang Li­beral Party kay Villanueva para sa posibleng pagtakbo nito sa ilalim ng administration ticket.

AYON

CIBAC

HINIHIMOK

JOEL VILLANUEVA

KAMAKAILAN

KAMARA

KASALUKUYANG

KONGRESO

MULA

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with