MANILA, Philippines - Bilang paghahanda sa posibleng pagdating ng ma-lakas na lindol ay nagsasagawa ngayon ng earthquake drill ang Rescue Unit ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM) upang maturuan ang bawat residente ng mga tamang gagawin sakaling dumating ang ganitong trahedya sa ating bansa.
Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, bukod sa mga paaralan at iba pang gusali ay ti nuturuan din ng mga tauhan ng rescue unit ang mga residente ng bawat barangay sa mga dapat gawin sakaling may maganap na malakas na lindol.
Sinabi pa ni Echiverri na nararapat lamang na mabig- yan ng kaalaman ang mga residente kung ano ang mga dapat gawin sakaling may dumating na malakas na lindol sa ating bansa upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay.
Nakikipag-ugnayan na si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa mga opisyal ng barangay upang mabigyan ang mga ito ng petsa kung kailan gaganapin ang earthquake drill sa kanilang lugar.