^

Bansa

Quake drill sa Caloocan

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bilang paghahanda sa posibleng pagdating ng ma-lakas na lindol ay nagsasagawa ngayon ng earthquake drill ang Rescue Unit ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Manage­ment (RDPSTM) upang matu­ruan ang bawat residen­te ng mga tamang gagawin sakaling dumating ang ganitong trahedya sa ating bansa.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Re­com” Echi­verri, bukod sa mga paaralan at iba pang gusali ay ti­ nuturuan din ng mga tauhan ng rescue unit ang mga residente ng bawat barangay sa mga dapat gawin sakaling may maganap na malakas na lindol.

Sinabi pa ni Echiverri na nararapat lamang na mabig- yan ng kaalaman ang mga residente kung ano ang mga dapat gawin sakaling may dumating na malakas na lindol sa ating bansa upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay.

Nakikipag-ugnayan na si Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri sa mga opisyal ng barangay upang mabigyan ang mga ito ng petsa kung kailan gaganapin ang earthquake drill sa kanilang lugar.

AYON

BILANG

CALOOCAN

CITY MAYOR ENRICO

COUNCILOR RICOJUDGE

ECHIVERRI

PILIPINAS PRESIDENT

REFORMED DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGE

RESCUE UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with