Kamara nabahala sa 'bird strike'
MANILA, Philippines - Isang House Resolution 2743 ang inihain ng isang Kongresista para malaman ng mamamayan kung may ginagawa ba ang gobyerno para maiwasan ang ‘bird strike’ sa mga lumilipad na eroplano sa himpapawid.
Sinabi ni An Waray Rep. Neil Montejo, dapat imbestigahan ng Kamara mga nasayang na resources at oras ng airline companies kabilang na ang mga pasahero nito kapag nakakansela ang biyahe dahil sa mga migrant bird.
“Do we need to wait for another disaster before the appropriate government agencies get alarmed to take the necessary action?” sabi ni Montejo.
Kamakailan ay kinansela ng Philippine Airlines (PAL) flight PR 192 ang biyahe nito dahil pumasok sa loob ng makina ang 10 migrant wild ducks na aalis mula sa Tacloban airport patungong Maynila ng iulat ang insidente kaya naman nagkaproblema ang mga pasahero nito dahil naghintay pa sila ulit ng eroplano na maglilipad sa kanila.
‘The problem of bird strike is not new. All over the country, the record jumped from 42 bird strikes in 2009 to 120 in 2010. Are we doing something to mitigate this?” tanong ng kongresista.
- Latest
- Trending