Filing ng COC sa Okt. 1-5 na

 Manila, Philippines - Itinakda na ng Commission on Elections (Comelec) sa Oktubre 1 hanggang 5 ang pagsusumite ng Certificate of Candidacy (COC) mula sa alas-8 hanggang alas-5 ng hapon. Sinabi ni Commissioner Rene Sarmiento, hindi magbibigay ng anumang extension ang Comelec.

Ang mga senatorial candidates ay dapat na magsumite ng kanilang COC sa Comelec main office sa Intramuros habang ang mga kandidato para sa provincial gover­nor ay maaaring mag-file sa provincial election supervisor.

Ang mga kandidato sa pagka-alkalde, bise alkalde at local officials ay  maaa­ring magsumite ng kanilang COC sa kanilang mga city at municipal election supervisors habang  ang mga kongresista ay sa kanilang district election supervisors.

Nilinaw din ni Sar­miento na kinokonsidera nang nagbitiw sa puwesto ang mga appointed officials na tatakbo sa election sa sanda­ling naghain na sila ng kanilang COC.

Gayunman maaari pa ring tumanggap ang mga ito ng promotional activities hangga’t hindi nagsisimula ang campaign period.

Show comments