^

Bansa

Gen. Bartolome nagpapaalam na sa PNP

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines – Isang araw matapos ihayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa Russia na pinagreretiro na niya ng maaga si Philippine National Police Chief Director General Nicanor Bartolome, nagpahiwatig na ng pamamaalam ang heneral kahapon sa mahigit 140,000 malakas na puwersa ng kapulisan sa buong bansa. 

“ Ako po ay nagpapasalamat, ako’y nasisiyahan na nakasama ko kayo sa loob ng isang taon ko sa PNP”, pahayag ni Bartolome na nagpapahiwatig ng paglisan sa napipinto nitong maagang pagreretiro sa serbisyo matapos ang flag raising sa Camp Crame kahapon.

Si Bartolome ay natalagang ika-17 hepe ng PNP noong Setyembre 9 ng nakalipas na taon na mahigit isang taon na bilang pinuno ng kapulisan.

Nabatid rin na nagsisimula ng mag-ikot sa tanggapan ng mga Regional Directors si Bartolome upang magbigay ng kaniyang huling kautusan bago ang maaga nitong pagreretiro bilang PNP Chief.

Una dito ay napaulat na itatalaga ng Pangulo si Bartolome sa DILG kapalit ni Usec Rico Puno na sinasabing ililipat naman sa Department of Agriculture.

BARTOLOME

CAMP CRAME

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ISANG

NABATID

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF DIRECTOR GENERAL NICANOR BARTOLOME

REGIONAL DIRECTORS

SI BARTOLOME

USEC RICO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with