Bisikletang nasabat ng BOC, ibinigay sa DepEd

MANILA, Philippines – Ipinagkaloob ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Bia­zon sa Department of Education (DepED) sa Muntinlupa City ang mga bisikletang nasabat sa Port of Manila.

Ang kabuuang 506 na piraso ng mga bisikleta na ipinamahagi ni Bia­zon ay upang mapakinabangan ng DepEd sa halip na nakatengga ito sa Boc.

Sinasabing makakatulong sa kalikasan at iwas ito sa pollution at marami sa mga taga- Muntinlupa ang mabi­binipisyuhan ng mga nabanggit na bisikleta.

Ang mga bisikleta ay nasabat noong taong 2005 sa Port of Manila, na nagmula sa bansang Japan.

Isang simpleng turn-over rites ceremony ang isinagawa sa warehouse 1 ng BoC sa pangu­nguna ni Biazon at mga kinatawan ng DepEd sa Muntinlupa City.

Show comments