Bisikletang nasabat ng BOC, ibinigay sa DepEd
MANILA, Philippines – Ipinagkaloob ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Ruffy Biazon sa Department of Education (DepED) sa Muntinlupa City ang mga bisikletang nasabat sa Port of Manila.
Ang kabuuang 506 na piraso ng mga bisikleta na ipinamahagi ni Biazon ay upang mapakinabangan ng DepEd sa halip na nakatengga ito sa Boc.
Sinasabing makakatulong sa kalikasan at iwas ito sa pollution at marami sa mga taga- Muntinlupa ang mabibinipisyuhan ng mga nabanggit na bisikleta.
Ang mga bisikleta ay nasabat noong taong 2005 sa Port of Manila, na nagmula sa bansang Japan.
Isang simpleng turn-over rites ceremony ang isinagawa sa warehouse 1 ng BoC sa pangunguna ni Biazon at mga kinatawan ng DepEd sa Muntinlupa City.
- Latest
- Trending