^

Bansa

6 sungay ng rhino nasabat ng Customs

- Butch M. Quejada - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Nakasabat ang Bureau of Customs (BoC) ng anim na pirasong rhinoceros horn na aabot sa P47 million ang halaga sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Bia­zon, nakatago ang kontrabando sa isang container van na may lamang 300 sakong imported cashew nuts.

Napag-alaman na ang rhinoceros ay kabilang sa endangered species na hayop at ang sungay nito ay popular at naibebenta ng napakamahal dahil sa paniniwala na nakakagamot ito sa mga sakit gaya ng cancer at malaria. 

Ang rhinoceros horn ay nasakote ng mga tauhan ni Biazon sa pamamagitan ng operatiba ng MICP-Customs Intelli­gence and Investigation Service (CIIS).

Ayon  kay Biazon, ang nabanggit na kargamento ay may bigat na 8.5 kilos at nagkakahalaga ito ng P47 million  na nagmula pa sa Mozambique, Africa noong Agosto 25, 2012 at tinangkang ipuslit sa MICP.

Kakasuhan ng paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines at sa Convention on In­ter­national Trade in Endangered Species of Wild Faura and Flora, (CITES)  ang mga nagpuslit ng nasabing kontrabado.

Kahapon ay iprini­sinta ni Biazon sa mga mamamahayag ang mga nasabat na kontrabando.

AYON

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIA

CUSTOMS INTELLI

ENDANGERED SPECIES OF WILD FAURA AND FLORA

INVESTIGATION SERVICE

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

TARIFF AND CUSTOMS CODE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with