^

Bansa

LTO wala pa ring plaka

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Wala pa ring mga plaka ng sasakyan ang Land Transportation para maipagkaloob sa mga bagong sasakyan na irerehistro sa LTO.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Teofilo Guadiz, hepe ng LTO-NCR, ito ngayon ang kanilang problema dahil wala namang naibibigay na plaka sa kanila ang main office ng ahensiya para sa new registrants.

Kamakailan ay nagpalabas ng kautusan si LTO Chief Virgie Torres na nagsasabing maaa­ring magamit ang mga bagong sasakyan kahit na wala itong plaka.

Salungat naman ito sa “no plate no travel po­licy” ng anti-carnapping group ng PNP dahil nagagamit ng mga sindikato ang mga sasakyan na walang plaka sa kanilang modus operandi.

Binigyang diin Guadiz na hindi nga nila malaman kung paano ma­reresolba ang bagay na ito dahil halos lahat ng rehiyon ng ahensiya ay hindi pa rin nabibigyan ng car plates ng LTO main office.

Ang bugso ng mga rehistro ng mga bagong sasakyan laluna ng mga motor ay hindi na-anticipate ni Torres kayat sa ngayon maraming mga bagong sasakyan ay makikitang walang car plates.

vuukle comment

BINIGYANG

CHIEF VIRGIE TORRES

GUADIZ

KAMAKAILAN

LAND TRANSPORTATION

SALUNGAT

SASAKYAN

TEOFILO GUADIZ

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with