Pagkuha ng respeto ng mga justices, hamon kay Sereno

MANILA, Philippines - Isang malaking hamon umano kay bagong Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang makuha ang respeto ng lahat ng associate justice ng Supreme Court.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson matapos mapaulat na inisnab ng pitong justices ang unang flag-raising ceremony na pinangunahan ni Sereno noong Lunes.

Ayon kay Lacson, ang respeto ay hindi maaaring hingiin o i-demand. Hindi rin aniya katiyakan ng mga nasa matataas na posisyon na rerespe­tuhin na agad sila ng lahat.

“Siyempre sa civilian sector like SC, primus inter pares yan eh, first among equals. At saka maski CJ ka iisang boto ka rin. Ang mahirap sa CJ maraming functions, adjudicatory, may managerial and may administrative. So kailangan titimbangin mo lahat yan at kailangan may talent ka to delegate. Kung di ka marunong mag-delegate mahirapan ka, you cannot really hack ang job mo kasi napakahirap talaga maging CJ,” ani Lacson.

Sinabi naman ni Senator Edgardo Angara na hindi na dapat patagalin ni Sereno ang nangyaya­ring isnaban sa loob ng SC.

Show comments