Suspension ni Paulate pinigil ng CA

MANILA, Philippines – Pinigil ng Court of Appeals (CA) ang office of the Ombudsman at Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagpapatupad ng kautusan na may petsang Mayo 18, 2012 na nagpapataw ng anim na buwang suspensyon kay QC Councilor Roderick Paulate.

Sa limang pahinang desisyon ng Special Ninth Division ng CA, kinatigan nito ang petition for temporary restraining order na inihain ni Paulate, at ng isa pang konsehal na si Francisco Calalay at liason officer na si Vicente Bajamunde.

Nagpasiya ang CA na maiwasan ang anumang ‘irreparable injury’ na maaring danasin ng mga petitioner.

Show comments