PNP walang 'crash survival training'
MANILA, Philippines – Inamin kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Nicanor Bartolome na walang ‘crash survival training’ o sa pagbagsak ng mga eroplano ang mga pulis na nagsisilbing aide de camp sa mga VIP’s partikular na sa mga gabinete ng gobyerno.
Ginawa ni Bartolome ang pahayag sa gitna ng patuloy na kaliwa’t kanang paninisi ng mga kritiko sa aide de camp ng yumaong si Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na si Sr. Inspector June Paulo Abrazado na nabigo nitong mailigtas ang kalihim.
Sa kasalukuyan ay sinasabing dumaranas pa ng matinding depresyon ang tanging survivor na si Abrazado.
“May training tayo sa VIP security pero mga saving the life kung sakaling may bullet, puwede mong sanggain kung ikaw ang security pero wala tayong ginagawang training kapag nagkaroon ng plane crash”, ayon kay Bartolome.
Idinagdag pa nito na naiibang insidente ang sitwasyon ng aksidenteng pagbagsak ng eroplanong sinasakyan ni Robredo.
- Latest
- Trending