DOTC, inihabilin na ni Roxas kay Abaya

MANILA, Philippines – Inihabilin na ni incoming Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang dati niyang hawak na Department of Transportation and Communications (DOTC) kay Cavite Rep. Joseh Emilio Abaya makaraang siya pa ang magsama dito at ihabilin ang mga nakaumang na programa at proyekto.

Sa kanyang huling “flag ceremony” kahapon ng umaga sa DOTC, sinabi ni Roxas na tiwala siya na magagampanan ng maa­yos ni Abaya ang mga iiwan niyang trabaho sa ahensya. Kabilang dito ang naum­pisahan nang pagpapababa ng trahedya sa transportasyon na siyang iiwan umano niyang “legacy” sa DOTC.

Nangako naman si Abaya na gagawin ang lahat para mapantayan ang mga nagawa ni Roxas sa ahensya at itutuloy ang mga nabinbing proyekto nito. 

Opisyal na uupo si Abaya bilang kalihim ng DOTC sa pagtatapos pa ang deliberasyon ng 2013 Budget sa Kongreso na may 4-6 linggo pa. Ito’y dahil si Abaya ang chairman ng Committee of Appropriation ng Kamara.

Show comments