Paghahanda sa 2013 polls kasado na
MANILA, Philippines - Puspusan ngayon ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na 2013 mid-term elections kung saan minamadali na rin nila sa ngayon ang pagre-review sa mga party-list group at mga nominado ng mga ito upang mailabas na ang listahan sa Setyembre 30.
Kasabay nito, inihayag na ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr. na ang filing ng certificate of candidacy (COC) ay nakatakda mula Oktubre 1-5.
Maliban sa mga halal na opisyal, ang mga taong nagtatrabaho sa pamahalaan ay ikinokonsiderang magbitiw sa serbisyo sa sandaling maghain na sila ng COCs.
Kabilang dito ang mga nasa appointed government positions, mga pulis, mga sundalo, mga guro at iba pang state workers.
Mayroon naman umano silang tatlong buwan para tumanggap ng mga petition for disqualification na isasampa sa mga kandidato.
Target nilang maipalabas ang pinal na listahan ng mga kuwalipikadong kandidato at party-list groups sa buwan ng Disyembre.
- Latest
- Trending