MANILA, Philippines - Walang naging grave abuse of discretion sa panig ni Pangulong Aquino sa pagpapalabas ng Executive Order number 2 na nagpapawalang bisa sa mga midnight appointment ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Saad ito sa magkakahiwalay na desisyon na ipinalabas ng Court of Appeals (CA) Former 8th Division na pinamumunuan ni Justice Noel Tijam, hinggil sa anim na petisyong kumukwestiyon sa EO 2.
Samantala sa usapin naman tungkol sa kanilang posibleng re-appointment, tinukoy ng CA na ipinauubaya na nila ang pagpapasiya sa Office of the President na siyang may discretion sa isyu.
Gayuman, bukod tanging ang petisyong inihain lamang ni Office of Muslim Affairs Chief Bai Omera Dianalan-Lucman ang kinatigan ng korte dahil ito raw ay naitalaga sa pwesto sa panahong hindi sakop ng appointment ban.
Dahil dito, iniutos ng CA ang reinstatement kay Lucman sa dati nitong posisyon.
Dapat umanong pagsilbihan ni Lucman ang unexpired na bahagi ng kanyang appointment at dapat din umanong ipagkaloob sa kanya ang kaniyang sweldo at benepisyo mula sa panahon na siya ay maalis sa pwesto.