Alcala, Banayo kinasuhan ng farmer coops sa mga imported na bigas
MANILA, Philippines - Kinasuhan ng mga grupo ng magsasaka sa QC court sina Agriculture Secretary Proceso Alcala, NFA administrator Angelito Banayo, at Atty. Jose Cordero, chairman ng special bids and awards committee ng National Food Authority (NFA) ng pang-iipit umano ng kanilang dokumento kayat hindi maipalabas ang may 21,500 sako ng kanilang mga na-import na bigas na nanatiling nasa bakuran ng NFA sa Davao City.
Inirereklamo ng Kabalikat Multi-Purpose Cooperative (La Union), Bubog Farmers Coop (Occidental Mindoro), Pinaod Central Multi-Purpose Coop (Bulacan) at Samahang Bagong Anyo Development Coop (Occ. Mindoro) na umabot sa P20 milyon ang nalugi sa kanilang hanay partikular na ang malaking gastos sa kargamento, multa at forfeited bonds at deposit.
Mula Hulyo 20, 2012 ay nananatiling nasa loob ng Port of Sasa, Davao City ang kanilang naimportang mga bigas gayung dapat ay naaprubahan na ito ng NFA na mailabas upang maibenta na sa mga pamilihan.
- Latest
- Trending